There is nothing easy about letting a loved one go.
We could fill our days with prayer and hope that the passage of time will slowly close that gap that has been left in us. We could also gather and recount all the best memories, including not only the joyful ones but also those with such intensity that gave us a life-changing kind of wisdom. Or we could look around, look at each other, and remind ourselves what our dearly departed left us with — these dear relationships, these precious ties of kin and friendship, and our braver selves now more in touch with being alive through this profoundly enriching though difficult experience of death.
In these past days that we’ve laid our dear Lola Aning to rest, we draw our strength from all of you who stood by us. You who came to visit, you who prayed with us, you who wept with us, you who waited for morning with us, you who helped us cook and serve the food, you who ate and finished the food, you who cleaned the tables and washed the dishes, you who brought more food — yes, we have to mention this because our dear Lola is quite known for asking everyone she meets, whatever time of the day it is “Kumain ka na ba?” — you who recalled her stories to us, you who listened to our stories about her, you who shared her memory with us, you who keep her memory alive in our minds and in our hearts. Thank you. Thank you to our dear family and friends, our neighbors, people we know well, people we may have never met but who keeps a special place for Lola Aning in their lives, thank you for being with us.
But most of all, thank you for being there with our Lola when she was alive. For sharing her days, all the good times and the hard times; for giving her reasons to live, to look forward to another day to get up; to those who never got tired of looking after her, to those who stayed with her until her final moments on earth, thank you. Thank you for being part of a life well-lived and worth every breath; because of all of you we know that our Lola is well-loved and that these all make up her wonderful life.
Now that we are about to take our Lola to the end of her mortal journey, though it will take time before our grief will pass over, let us now celebrate the beginning of her journey into eternity. She deserves nothing less than the glory of a life in paradise, and the memory of her life on Earth happily instilled and kept alive in all of us.
We love you very very much Lola Aning. Thank you.
——————————–
Paanong ang ningning mong dati’y kayliwanag
Ngayo’y habangbuhay nang di masisilayan
At bagamat hindi na maibabalik ang panahon
Ng rangya ng parang, ng rikit ng kasibulan
Hindi kami magdadalamhati,
Pagkat ang aming matatanto
Ay ang lalim at tatag
Ng pananalig na sa amin ay iniwan.
Pasintabi kay William Wordsworth,
Salin ng bahagi ng tulang Ode: Intimations of Immortality (Lines 180-185)
Walang madali sa pamamaalam sa yumaong mahal sa buhay.
Maaari nating punan ang ating mga araw ng mga panalangin at hangaring sa paglipas ng panahon ay kusang mapupunan ang puwang na naiwan sa atin. Maaari din nating ipunin ang pinakamagagandang alaala – hindi lang ang masasaya kundi pati na rin yungmga tipong nagdulot ng masidhing pangaral sa ating mga buhay. Maaari rin tayong tumingin sa palibot, lingunin ang isa’t-isa, at alalahanin kung ano talaga ang siyang iniwan sa atin ng mahal na Lola Aning — higit sa anupaman ay ang ating mga ugnayan, kapamilya man o kaibigan, at ang ating mga sariling pinatatag ng bagong pagtingin sa buhay dulot nitong mapagyaman bagamat mahirap na karanasan ng kamatayan.
Nitong mga huling araw ng pagkakahimlay ni Lola Aning, kaming kanyang mga kaanak at pamilya ay humuhugot ng lakas sa inyong nakiramay sa amin. Sa inyong lahat na bumisita, nag-alay ng dasal, umiyak at nakiiyak, naglamay at nanatili umaraw man o umulan, sa gitna ng bagyo’t malakas na hangin; sa mga tumulong na ibsan ang pasanin ng mga araw, sa mga tumulong mula sa pamamalengke, pagluluto, at pag-uurong, sa mga bumusog at nagpakabusog — at kailangan naming siguraduhing ang bawat isa’y nabusog sap agkat isa sa mga pinakamasayang alaala namin kay Lola Aning ay ang lagi niyang pagtatanong sa makakasalubong niya ng “O, kumain ka na ba?” — sa inyong sinamahan kami, sa mga nakinig sa aming kuwento, sa mga nagbahagi rin ng kanilang mga kuwento, sa mga nakibahagi sa paggunita sa aming Lola –kayo ang bumubuhay ng kanyang alaala sa isip at sa puso ng bawat isa. Taos puso ang aming pasasalamat.
Higit sa lahat,higit sa pakikiramay sa kanyang pagyao, nais naming magpasalamat sa inyong pagiging bahagi ng buhay ni Lola Aning. Sa pagsama sa kanya noong siya’y nabubuhay pa, sa hirap ma’t sa ginhawa; sa pagbibigay sa kanya ng dahilan upang magpatuloy at bumangon sa bawat umaga; sa mga hindi nagsawang alagaan siya at bantayan, at naging kapiling nya hanggang sa kanyang pamamayapa. salamat at kayo ay naging bahagi ng mahaba at masagana niyang buhay. Dahil sa inyo alam naming minamahal ng husto ang aming Lola, na walang nasayang sa bawat niyang hininga.
At ngayong ihahatid na po natin siya sa dulo ng kanyang paglalakbay bilang isang mortal, bagamat mahabang panahon pa ang lilipas bago tuluyang matapos ang ating pagdadalamhati, kung maaari sana’y atin ring ipagdiwang ang simula ng kanyang paglalakbay sa buhay na walang hanggan. Wala nang mas nararapat pa para sa kanya kundi ang luwalhati ng buhay sa piling ng Maykapal habang ang alaala ng kanyang pagkabuhay ay nananatiling nag-aalab sa ating mga puso’t isipan.
Mahal na mahal ka namin Lola Aning. Maraming maraming maraming salamat.