365 for 2012: (21) Tuloy ang Sagutan

And we continue the game.

 

Sabi niya:

Tama, dapa

Hulog, untog

Pero iba ang nangangarap sa nahihibang

Iba ang naniniginip sa nababaliw

Iba ang nilalagnat sa inaapoy

Iba ang naghahanap ng langit

Sa tinakasan ng bait

Hindi pinipiling pikit-matang tumalon

O kagat-labing umurong sulong

Walang pinipiling lasa ang dila

Walang pinipiling tama ang tula

Matamis na ang lahat ng pait

Sa tinakasan ng bait

At pwede mo sabihing

Nahanap mo na ang sarili

Nahanap mo na ang pag-ibig

Dahil nawala na ang lahat…

 

 ——————————–

Sabi ko:

Kahit ang usok na naglalaho sa kalawakan

Sumasanib sa ulap, bumabalik bilang ulan.

Ito ang mga bagay na hindi natin napapansin:

Ang pagsuyong nakaipit

Sa paminsan-minsang ‘di pag-imik;

Ang tamis na nakapinid sa pagitan

ng mga labing nakailag sa pait;

Ang digmaan sa dugong pinapaikot

ng pagtibok ng pusong may sakit.

Ito ang pira-pirasong katotohanang iyong matitikman.

Masinop na itinupi ang mga hiwaga ng mundo

At ikinubli sa mga sulok ng kaluluwa,

ingat na ingat na inialay sa kalaguyo.

Ito lang ang katotohanang kinakailangang mabatid.

Ganito ang mga bagay na hindi natin namamalayan

Akala mo’y wala, yun pala’y nariyan.

Ang galos hangga’t hindi mo nakitang nagdurugo,

Kaiba man ang pakiramdam ay di pa rin kikirot.

Tagged , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: