Monthly Archives: September 2012

365 for 2012: (63) Pagpupunla

Kung paano hinahagod ng patak

ng bagong-panganak na hamog

ang tuktok upang tuntunin ang dulo;

mariin, ninanamnam ang bawat

damping nag-iiwan ng bakas;

bago tuluyang maubos

pagdating sa ugat,

 

mamarkahan ko ang daraanan

ng mga halik na kasingnipis ng silahis

ng unang sikat ng araw

sa pagbuka ng langit.

 

Saka ako sasanib sa putik.

Makikiisa sa pinagmumulan, kaibuturan

ng mga lihim ng pamumulaklak, pagbunga,

pagkalanta. Doon ako magtatago.

Yayakap ang katawan ko, basang-basa,

sa bukal ng iyong pag-usbong.

         Punong-puno ng pangako,

         kumakayat sa pananatili. Naghihintay. 
 

Hanggang sa muling sunduin ng bukang-liwayway.

 

Lalapat sa kalupkop, sasalubong sa umaga.

Hinog at buo, muli tayong magtatagpo.

Pagbitak ng araw, doon tayo magkikita.

                                                Doon tayo magkikita.

                                                                  Doon tayo magkikita.

Tagged , , , , , ,

365 for 2012: (62) Pag-inog ng Mundo

While listening to Ada Tayao‘s blues-y melody for ‘Lambat at Sagwan’ a song we wrote about fishermen, fishing, and sun movements, these verses came to me, sort of forcing itself into the music.

Such cheesy cerebral flatulence. It’s actually not even cerebral, but oh well. Carry on. 

 

Sumisikat na ang araw, dahan-dahan

Gumagapang ang liwanag sa ating paanan

Sa lilim ng kumot, oras ay ating tinakasan

Sa bisig ng isa’t-isa’y hinanap ang kalawakan

 

Humiram tayo ng kaunting sandali

sa mga bulalakaw na nagmamadali

At bago tuluyang bumagsak at maglaho

Dito sa bagong-tuklas nating langit tayo magtago

 

Tamnan mo ng mga halik ang buo kong katawan

At aani tayo ng tamis na kailanma’y ‘di tatabang

Sa kuyom ng palad ko, ang puso mo ay ipinid

Pag-ibig natin ang susi sa pag-inog ng daigdig

 

Paano bang natangay ako ng mga titig mo

At heto na tayo, bumabaybay ng bagong uniberso

Matutunton ba nila kung saan tayo papunta?

Hangga’t hindi pa, ipanatag muna ang pangamba

 

Ngunit  sa pagtirik ng araw sa tuktok ng kanyang trono,

Tanghaling tapat ang huhudyat sa ating prumeno

Saka mo tutuntunin ang daangtalang sinumpaan

Saka ko titiyaking hindi ako nakaharang sa inyong daan

 

Tamnan mo ng mga halik ang mga pisnging binasa ng luha

Mangarap na lang na may uusbong pang bulaklak

Sa kuyom ng mga palad natin ay ating ikukubli

Bakas ng pag-ibig na hindi maaaring manatili

 

Nagtanim ako ng mga halik sa lupang hindi ko maangkin

Sa bawat dampi ay inilibing ko ang mga lihim natin

Ang ating langit ay kinanlong ng walang-katiyakan

Alikabok na lang ng mga bulalakaw na naglaho ang naiwan

 

September 5, 2012, Pagadian  

Tagged , , , , , , , , , ,

can i call you darling–

–and tell you how i am moved by the way your eyes caress me from that distance, two bottles of dark roast brew between us and a universe with seeming infinite possibilities in our hands on this table where the rest of the world is lost on us and the only people who know us are the waiters ever so loyal to bring us our elixir, make the night possible, permit us to prolong, stay

can i say, darling, lean closer, let the roll of the r elide into the curl of the l, the way tongues move – oh you know that well – and plant another kiss on your cheek, and another, and another. easy, it comes naturally. acquainted properly, our lips know where to go, what mark it will leave on the skin that anticipates, the body that craves, every inch that aches. we have imagined this so well. waited, so eagerly. darling, i whisper, and on your ear you will hear the blooming of a flower.

darling, darling daredevil slip your hands where it belongs, if you will. under the seat, behind the wheel and hold on, hold tight as we speed through the night. have we not always longed for dawn? to be bathed in the rays of a rising sun? finally, together, our morning no longer another typewritten daydream. there it is, don’t you see, at the turn of the highway, away from this city. or maybe, just maybe, under these sheets in a universe that knows only you, only me.

 

 

**a replica of this somewhere, lost in stealth

Tagged , , , , , , , , , , , ,

i was writing a poem about waiting, about delusions of anticipated arrivals and denied certainties of absence. i was hoping to finish it before August ended, for more reasons than one, more as a sort of remembrance than a random deadline.

i could not finish the poem. something was lacking. something was still bound to come and complete the emotion, synthesize the thought. i thought at that time that i would never be able to  finish it.

and then that’s how i found the ending i needed.

———————-

 

You have a key to the door. And if you call, you know I will answer.