Iyong Ngiti (Salin ng ‘Tu Risa’ ni Pablo Neruda)

Iyong Ngiti

Salin ng Tu Risa ni Pablo Neruda

Pagkaitan mo na ako ng pagkain, kung nais mo
Pigilan ang aking paghinga pero
huwag mo naman sana akong pagdamutan ng iyong ngiti.

Huwag mong alisin ang rosas,
ang sibat na iyong kinakalbit,
ang bulwak ng tubig
na umaagos sa iyong tuwa,
daluyong ng pilak na iyong isinisilang.

Nagbabalik ako mula sa sagarang pagdurusa,
Tumatangging tumanaw pa
Sa nagbibitak-bitak na lupang inaamag na’t nabubulok,
Pero sa tuwing umuusbong ang iyong halakhak
Upang tawagin ako saanmang alapaap mapadpad,
Ang lahat ng pintuan ng buhay
Ay isa-isang nabubuksan.

Ikaw ang silay ng liwanag
sa mga pinakamadilim na oras, irog.
At kung sakali mang makasalubong mo sa lansangan
ang bakas ng aking dugo,
Tumawa ka,
Sapagkat ang iyong tawa
Ay tatangan sa aking mga kamay
Na parang bagong espada.

Sa dalampasigan sa taglagas,
Kailangang pumailanlang ang lagaslas
ng iyong halakhak.
Sa tagsibol naman, irog,
Asam ko ang iyong ngiti
Tulad ng pinakahinihintay na pamumukadkad
Ng mga asul na talulot,
rosas ng bayang umaalingawngaw.

Tawanan mo ang gabi,
Ang araw, ang buwan,
Tawanan ang pulu-pulupot
Na mga daanan ng kapuluan
Tawanan itong malamyang
Nilalang na iniibig ka
ngunit kapag ako’y dumilat
at muling pumikit,
kapag pumaroon ang mga yapak ko,
kapag nanumbalik,
ikaila mo na sa akin ang pagkain, hangin
liwanag, at tagsibol
pero huwag na huwag ang iyong ngiti
dahil ito ang aking ikamamatay.

Tagged , , , , , , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: