Isda at Dagat

Kapag iniisip ko kung paano tayo naging isda sa paningin mo, ang naiisip ko,

 

Hindi ako isda.

 

Ako ay dagat

Ang kandungan ko ay pampang kung saan

Paulit-ulit na humahalik ang mga alon, dumadating at nang-iiwan

Binabalik-balikan.

Parang kalawakan na sinasabi nilang patuloy na lumalawak,

Wala pang taong nakasisisid sa tunay na lalim ng dagat.

 

Wala tayong alam.

 

Anumang kapalaran ang naisin nating makamtan

Ay makakamit. Nang maaaring hindi natin nababatid.

Kung ikaw at ako ay mga isdang binabaybay ang mga alon,

Walang daan,

Ano ang katiyakan ng pagtatagpo,

may dapat bang katakutang paghihiwalay?

 

Kung mababatid natin ang kaligayahan sa maikli nating buhay

Kung hindi tayo magpapakulong sa mga palagay

Kung ikaw ay isda at ang hangin ay alon

Kung ang pag-ibig ang tagapagtulak sa ating makaahon

Kung ang pagdama ay paglangoy, ang pagpapaanod ay pagpapalaya

Anong katiyakang hindi ito dadating sa wala?

 

Wala.

 

At kung ganoon man,

Anumang meron at wala ang ating kahinatnan

Kung may dagat na lalanguyan

At dalampasigang matatagpuan

May kailangan bang katakutan?

 

Wala. Kahit saan, kailanman

Maisasakatuparan ang kapalaran.

Walang takot na dapat maramdaman.

 

Lahat tayo, isda

Lumalangoy hanggang sa dulo.

Lahat tayo, dalampasigan:

Ang simula na sumasalubong

sa nilalangoy na dulo.

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: