Tag Archives: Pablo Neruda

Ibig Kong Ika’y Payapa (Salin ng Me Gustas Cuando Callas / I Like For You To Be Still ni Pablo Neruda)

Ibig kong ika’y payapa, na parang halos isang puwang,
At nauulinigan mo lang ako sa kalayuan at hindi ka makalabit ng aking tinig,
At tila ang iyong mga mata’y pumailanlang,
At pawang sinelyahan ng halik ang iyong mga labi.

Kung paanong ang lahat ng bagay ay puspos ng aking diwa
Umuusbong ka mula sa lahat ng ito, puspos ng diwa ko.
Panaginip na paru-paro, kagayak ka ng aking kaluluwa
At kahawig ng salitang panglaw.

Ibig kong ika’y walang imik, na para bang kay layo mo,
Parang nananaghoy, mariposang tumatangis.
At nabobosesan mo ako mula sa kalayuan at hindi ka naaabot ng aking tinig:
Papasukin mo ako’t patuluyin sa iyong katahimikan

Dinggin mo ko sa iyong pagtahimik, mangusap tayong walang imik
Singlinaw ng sinag, singpayak ng singsing.
Tulad ka ng gabi, tahimik at binalangkas ng mga tala.
Ang hinahon mo’y buhat sa mga bituin, humahayo’t maaliwalas.

Ibig kong ika’y walang imik, na para bang hindi kita kapiling.
Malayo’t may kirot, na para bang ika’y namayapa.
Mangusap ka, kahit isang ngiti ay sasapat
At ako’y liligaya, maliligayahan sapagkat ito’y hindi ganap.

 

Isinalin ni Anj Heruela, Abril 2016

 

Tagged , , , , , , , , , , , ,

Iyong Ngiti (Salin ng ‘Tu Risa’ ni Pablo Neruda)

Iyong Ngiti

Salin ng Tu Risa ni Pablo Neruda

Pagkaitan mo na ako ng pagkain, kung nais mo
Pigilan ang aking paghinga pero
huwag mo naman sana akong pagdamutan ng iyong ngiti.

Huwag mong alisin ang rosas,
ang sibat na iyong kinakalbit,
ang bulwak ng tubig
na umaagos sa iyong tuwa,
daluyong ng pilak na iyong isinisilang.

Nagbabalik ako mula sa sagarang pagdurusa,
Tumatangging tumanaw pa
Sa nagbibitak-bitak na lupang inaamag na’t nabubulok,
Pero sa tuwing umuusbong ang iyong halakhak
Upang tawagin ako saanmang alapaap mapadpad,
Ang lahat ng pintuan ng buhay
Ay isa-isang nabubuksan.

Ikaw ang silay ng liwanag
sa mga pinakamadilim na oras, irog.
At kung sakali mang makasalubong mo sa lansangan
ang bakas ng aking dugo,
Tumawa ka,
Sapagkat ang iyong tawa
Ay tatangan sa aking mga kamay
Na parang bagong espada.

Sa dalampasigan sa taglagas,
Kailangang pumailanlang ang lagaslas
ng iyong halakhak.
Sa tagsibol naman, irog,
Asam ko ang iyong ngiti
Tulad ng pinakahinihintay na pamumukadkad
Ng mga asul na talulot,
rosas ng bayang umaalingawngaw.

Tawanan mo ang gabi,
Ang araw, ang buwan,
Tawanan ang pulu-pulupot
Na mga daanan ng kapuluan
Tawanan itong malamyang
Nilalang na iniibig ka
ngunit kapag ako’y dumilat
at muling pumikit,
kapag pumaroon ang mga yapak ko,
kapag nanumbalik,
ikaila mo na sa akin ang pagkain, hangin
liwanag, at tagsibol
pero huwag na huwag ang iyong ngiti
dahil ito ang aking ikamamatay.

Tagged , , , , , , , , , ,

365 for 2012: (65) A Note The Postman Lost

The same night whitening the same trees.

We, of that time, are no longer the same.

Tonight I Can Write The Saddest Lines, Pablo Neruda

Dear lover, there is no need

for you to tell me, again and

again that the night is

shattered . There are pieces

of it on the floor, the crumbs

of your leave heading for

the slam of the door. Shaking

the house, gently. Echoes, only 

a broken record: the voice

breaks, at that crack 

 

before the revelation: I no longer

love her, so suddenly, but maybe

I love her and again no longer — 

gibberish. There is dirt on the surface.

I could not wipe it off.

The poem could not end itself.

 

Dear lover, what nights we have

known: all the truths we have

thrown away to make way

for the ones we could own. 

Nothing about shivering

stars, pale moons, imagined

heavens , endless skies —  none

of those, only versions of hell. 

Where wars are lost

when heroes leave,

the white flag raised

then torn to bits. Oh, it is

 

all so simple: sometimes 

I loved, and then

sometimes I did not. 

When the rest of the world refuse to.

We held each other in our arms,

 blue stars shiver in the distance.

 

They lie when they say, dear

lover, I cannot have you.

 

The night is shattered.

Souls are not satisfied.

We are lost to this world, too.

Tagged , ,