Tag Archives: translations

Iyong Ngiti (Salin ng ‘Tu Risa’ ni Pablo Neruda)

Iyong Ngiti

Salin ng Tu Risa ni Pablo Neruda

Pagkaitan mo na ako ng pagkain, kung nais mo
Pigilan ang aking paghinga pero
huwag mo naman sana akong pagdamutan ng iyong ngiti.

Huwag mong alisin ang rosas,
ang sibat na iyong kinakalbit,
ang bulwak ng tubig
na umaagos sa iyong tuwa,
daluyong ng pilak na iyong isinisilang.

Nagbabalik ako mula sa sagarang pagdurusa,
Tumatangging tumanaw pa
Sa nagbibitak-bitak na lupang inaamag na’t nabubulok,
Pero sa tuwing umuusbong ang iyong halakhak
Upang tawagin ako saanmang alapaap mapadpad,
Ang lahat ng pintuan ng buhay
Ay isa-isang nabubuksan.

Ikaw ang silay ng liwanag
sa mga pinakamadilim na oras, irog.
At kung sakali mang makasalubong mo sa lansangan
ang bakas ng aking dugo,
Tumawa ka,
Sapagkat ang iyong tawa
Ay tatangan sa aking mga kamay
Na parang bagong espada.

Sa dalampasigan sa taglagas,
Kailangang pumailanlang ang lagaslas
ng iyong halakhak.
Sa tagsibol naman, irog,
Asam ko ang iyong ngiti
Tulad ng pinakahinihintay na pamumukadkad
Ng mga asul na talulot,
rosas ng bayang umaalingawngaw.

Tawanan mo ang gabi,
Ang araw, ang buwan,
Tawanan ang pulu-pulupot
Na mga daanan ng kapuluan
Tawanan itong malamyang
Nilalang na iniibig ka
ngunit kapag ako’y dumilat
at muling pumikit,
kapag pumaroon ang mga yapak ko,
kapag nanumbalik,
ikaila mo na sa akin ang pagkain, hangin
liwanag, at tagsibol
pero huwag na huwag ang iyong ngiti
dahil ito ang aking ikamamatay.

Tagged , , , , , , , , , ,

365 for 2012: (38) Left Unsaid

Don’t say anything.

We’ll let the universe speak.

It knows our heartbeat.

Tagged , , , , , , , , , ,

365 for 2012: (25) Sa Simbahan ng Iyong Pagsinta

**This poem is derived from my first translation of Shakespeare’s Sonnet 105. I totally soiled myself upon hearing the music composed for this poem because it had so much of the feel of Fitzsimmon’s Goodmorning which is my sort of anthem at the time. So I did a little tweaking here and there to really place the words with the sound. So here it is.
 
 

Pagsinta ko’y di basta-bastang pagsamba,

Dahil ang iniibig ko’y hindi isang diyos na bato

At lahat ng awit at pagpupugay ko ay takda

Sa kanya, nag-iisa, siya nawa.

 

Siya na nga.

 

Banal sa paggising, dalisay hanggang pag-idlip

Sa kahanga-hangang dangal, walang tinag, nananatili

Kung kaya’t salita ko’y tapat ring nakapinid

Ito’t ito lang, taimtim kong sinasambit

 

Marikit, mabuti’t totoo,

ang lahat ng aking katwiran

Marikit, mabuti’t totoo,

sa ibang salita ma’y nailalarawan

 

Ito ang layaw ng dila kong makata

Ang alay kong pagdarasal

Sa simbahan ng iyong pagsinta

Puso ko’y nangungumpisal

 

Marikit, mabuti’t totoo,

kadalasa’y hiwa-hiwalay

Itong lahat ay nagsanib sa’yo

Sa kabuuan mo’y nananalaytay.

Marikit, mabuti’t totoo,

Siya nawa,

Marikit, mabuti’t totoo,

Ikaw na nga.

Tagged , , , , , , ,

365 for 2012: (Seventeen, Eighteen) Sagutan ng Nalipasan ng Gutom at Kulang sa Inom

This exchange started because a very cool guy sent in a very cool translation of Shakespeare’s Sonnet 17. The lines were just there staring at me, pulling out verses from my guts, prompting some wordplay. I just had to write back. So I did and he answered. So I wrote again. I’m still waiting to see if he’ll write some more. I hope the game never ends.

(Translation of William Shakespeare’s Sonnet 17 by Froilan Medina)

Sinong maniniwala sa isusulat ko

Kahit puro tungkol sa iyo

Kung gaano ka kaganda

Kung gaano ka katamis

Kahit ganda lang ng mata mo

Kung mailalagay ko

Sa salita, sa notebook, sa ipad

O sa palad

Hindi pa rin sapat.

At wala pa ring maniniwala

Sinong maniniwala?

Sinong maghihinala?

Sa tula sa dulo ng aking dila

Na wala kang kasingganda

Ikaw lang, ikaw na

At ang dalawang gabi ng iyong mga mata

Sasabihin nilang kalokohan

Sasabihin nilang nalipasan

lang ng gutom

O nasobrahan ng inom.

Isang imahenasyong

pumapalag at nagwawala

sa pagitan ng iyong hita

sa gitna ng isang tula

sa dulo ng aking dila.

Sinong maniniwala sa isusulat ko

Kahit puro tungkol sa iyo

Kung gaano ka kaganda

Kung gaano ka katamis

Kahit ganda lang ng mata mo

Kung mailalagay ko

Sa salita, sa notebook, sa ipad

O sa palad

Hindi pa rin sapat.

At wala pa ring maniniwala

Sinong maniniwala?

Sinong maghihinala?

Sa tula sa dulo ng aking dila

Na wala kang kasingganda

Ikaw lang, ikaw na

At ang dalawang gabi ng iyong mga mata

Sasabihin nilang kalokohan

Sasabihin nilang nalipasan

lang ng gutom

O nasobrahan ng inom.

Isang imahenasyong

pumapalag at nagwawala

sa pagitan ng iyong hita

sa gitna ng isang tula

sa dulo ng aking dila.

(Prompted Curious Compulsions by yours truly)

Paano naman ang hindi puwedeng uminom

at hindi puwedeng magutom?

Ang bagsik ng lagnat ng pusong ito’y saan hinuhugot,

Saan hahantong?

(Immediate Answer by cool person mentioned above)

Kung hindi pwedeng uminom

At hindi pwedeng magutom

Ang bagsik ng lagnat ng puso

ay huhugutin ng bilog na buwan

at hahantung sa likas

na pagtakas

ng bait.

At palalayain ka ng pagkahumaling

sa kahon ng iyong katinuan.

Sasabihin nila, kabaliwan

Pero hindi ka maniniwala

Dahil nagmamahal ka lang

Ng tama.

(And another)

Di ba ang tama ay bunga rin ng pagka-untog,

Ng mga humahalik sa sahig kapag nahuhulog?

Ng mga hindi nag-iingat at bigla-biglang napapatid,

Sa mga naliligaw sa paghahanap ng langit?

Tama din ba ang makukuha sa pikit-matang pagtalon?

Katumbas yata ito ng hilong dulot ng urong-sulong.

Ah, ang may sakit nga nama’y kung anu-ano ang sinasambit.

Ang lagnat na ito sa panlasa’y nag-iiwan lang ng pait.

Tagged , , , , , , , , , , ,

365 for 2012: (Seventeen) Thee Na Natukso

Shall I compare thee to a summer’s day?

Di ko alam kung tutula o tutulala

So I, for fear of trust, forget to say

Kung putî man ang puto, suso niya’y kutsintâ;

Savage, extreme, rude, cruel, not to trust;

Sakdal-lahat ng alindog ng mundo’y kawangis mo

When in eternal lines to time thou grow’st

May lambot ng mamon ang puso mong sintibay ng bato

And so the General of hot desire

Dilang buhul-buhol bumubulong na lang sa hangin

Admit impediments. Love is not love

parang mga guhit sa dalampasigang binubura ng tubig

Fair, kind, and true, is all my argument,

Ano’ng silbi mo sa akin?

Millions of strange shadows on you tend

Kalaro kong aninag na di magbalik?

(Beat. Voices switch.)

 

Irog ko, paano na ngayon ito?

Love’s not . Time’s fool.

Istupido yata itong si Cupido.

————————–

**Yes, these are not my own words. (Yes, not?).  As a teaser for a project we’re doing right now, I was tasked to mash-up lines from Shakespeare’s sonnets and its translations. Meaning I had to read and re-read  (14 x 14  = –> ) 196 lines in Old English  as well as the corresponding translations and/or adaptations (196 ++) and find a way to make sense out of alternating select 14 or so lines from both original and translated sets. Apparently, I couldn’t keep it to the minimum.

Does it make any sense, then? And since it qualifies as a poetic exercise (excuses, excuses) I’m going to count it in the 365 for 2012 project. So there. And no, I’m not ranting. Hah.


Tagged , , , , , , , , ,

365 for 2012: (Fourteen) Salin ng Sonnet 105 ni Shakespeare

**Salin ng Sonnet 105 ni William Shakespare, ang pangalawang sonetong kailangan kong isalin para sa darating na concert sa buwan ng Pebrero. Tinapos habang nagpapahinga sa lilim ng mga puno ng buko sa baybayin ng Guimaras. Walang katumbas ang puting buhangin at hampas ng alon para sa pressured na makata. Hahaha. The life indeed, the life.

 

Pagsinta ko’y di basta-bastang pagsamba

Dahil ang iniibig ko’y hindi diyus-diyosan

At lahat ng awit at pagpupugay ko ay takda

Sa kanya, nag-iisa, siya nawa, natatangi lang.

 

Mabut sa bukang-liwayway, hanggang takip-silim mabait

Sa kahanga-hangang dangal, walang tinag na nananatili

Kung kaya’t salita ko’y tapat ring nakapinid

Ito’t ito lang, walang pagliliwaliw mga katagang sinasambit

 

Marikit, mabuti’t totoo, ang lahat ng aking katwiran

Marikit, mabuti’t totoo, sa ibang salita ma’y nailalarawan

Ito ang layaw ng dila kong makata

Sa lawak ng saklaw ng balirala’y pag-isahin itong tatlong katangian

 

Marikit, mabuti’t totoo, kadalasa’y hiwa-hiwalay

Itong lahat ngayo’y magkakasama sa’yong kabuua’y nananalaytay.

 

Tagged , , , , , ,

365 for 2012: (Twelve) Tinuhog ng Espada

**After a pseudo-faithful translation of Shakespeare’s Sonnet 20, here now is the version that should hopefully serve as lyrics to a song. And yes, pun intended. Lame pun at that. With syllable count that needs improvement. Sheesh 😛

Kinis ng mukha mo’y pang-billboard ng Belo,
di na kailangan ng Master Eskinol yan
Bagong gising na puwede nang frontpage ng magasin
Mga dilag sa iyo’y di lang hahanga, ikaw pa’y kaiinggitan
 
Puso mong mamon, iisang suki lang ang nakakatikim
Di gaya ng iba diyang kung kani-kanino naghahain
Talbog silang lahat sa talim ng titig mo
Duguin na’ng madaplisan dahil iisa lang ang tutusuk-tusukin
 
Bossing, ikaw ang senyora ko,
Kumander na nakalalaglag-panty ang asta,
Tagos-kalamnan ang lagnat-lamig abot hanggang buto
Ang puso ko’y tinuhog ng iyong espada
 
Okay na sana kung hindi ka lang napag-tripan ng tadhana
At sa paghubog sa walang-paris mong katawan ay ‘di nasobrahan
Tingnan mo nga’t mas may tambok ka pa sa akin
Anong silbi niyan sa’kin, e meron na ako niyan?
 
Bossing, ikaw sana ang senyora ko,
Kung di ka lang itinakda para sa ibang senyora
Tagos-kalamnan ang lagnat-lamig abot hanggang buto
Ang puso ko’y winarak ng iyong espada
 
Tagged , , , , , ,

365 for 2012: (Eleven) Salin ng Sonnet 20 ni Shakespeare

**This is my translation of Shakespeare’s Sonnet 20. Did this for a sonnets concert project we’re doing for February. This already sort of fails the traditional sonnet form, but oh well. 😛 Linguistic discrepancies. The more lyrics-for-song version follows after. You are such a challenge Bill.  

Sonnet 20
Mukha ng dilag sa’yo ay ipinintang likas
Ikaw na mayordomang kumander ng natitira ko pang lakas
May lambot ng mamon ang puso mong sintibay ng bato
Panay lambing ang pag-ibig na walang bahid ng pagkatuso
Talbog ang titig nila sa mga mata mong walang ligaw na sulyap
Nababasbasan sana kung hindi pinapangarap ang iyong pagkurap
Ang tikas mo’t dating, kumporme’t nakapanunukso
May suwabe kang hatak sa kaiba’t kapareho.
Nilikha kang babae sana, pero sa pagpeperpekto ay lumabis
Sa iyo ay may naikabit na sobra na nagdudulot sakin ng pagtangis
Ang kasaganaang bigay sa iyo’y para sa aki’y walang saysay
Ano’ng silbi mo sa akin, kung dapat akong umibig sa isang Inday?
Anu’t-anupaman, nilikha kang aginaldo para sa mga dilag
Kanila na’ng katawan mo, maliban sa puso mo’ng sa akin sana ipanatag.
Tagged , , , , , ,