Monthly Archives: March 2014

Paglilista

kapag ako’y naguguluhan, naglalabas ako ng papel at bumubuo ng listahan

ng lahat ng mga bagay na bumabagabag sa akin.

halimbawa: ang hilera ng mga sapatos na iniwan ng mga paang nagmamadaling unahan ang hatinggabi sa kama, ang balumbon ng mga damit na bitbit ang amoy ng mga usapang sinawsaw sa kape at binalot ng usok, mga salansan ng librong nagkalat sa bawat sulok at lilim ng kuwarto – bakas ng mga bagay na hindi kayang tapusin, ayaw tapusin, at hindi na siguro matatapos

tulad ng listahang ito

hindi na nalayo sa listahan noong nakaraang buwan, umulit noong nakaraang linggo, at malamang ay mabubuo ulit sa darating na mga araw

ang mga bumabagabag sa akin ay lulubog, lilitaw, lilisan, madaragdagan, makakalimutan, hahawakan, bibitawan, hahanapin, aalalahanin, at tatandaan–

para may listahang bubuuing muli at ipapakita sa iyo, puno’t dulo ng lahat ng gulo, ikaw na una at huling babagabag sa akin.

ikaw, tagabusisi ng mga bagay na naiwang nakatiwangwang sa iyong pagdating: ikaw,  tagapulot ng sapatos, tagatupi ng damit, tagabuklat ng libro. tagapunit ng mga listahang pinakatago-tago ko.

at kapag hindi ko na maisip ang mga bagay na bumabagabag sa akin, kapag hindi ko na maintindihan kung ako ba’y panatag na o lalong naguguluhan, ibinabaling ko ang mga tanong sa mga mata mong ayaw gumanti ng sagot. sa mga mata mong nakaukit ang ‘okay lang.’ sa titig na ayaw kumilala ng gusot. pagbaling na walang katuturan dahil may sagot ka na kahit wala namang katanungan

at kapag muli akong naguluhan, bubuo na lang ako ng listahan ng mga bagay na natatandaan ko na lang at hindi na nakikita, dahil naglakad na ang mga sapatos para salubungin ang papaalis na umaga, dahil ang mga damit ay binanlawan na ng beer at pinatutuyo ng bagong kuwento ng huli mong dalaw, dahil ang mga libro’y nakapila’t nakaayos at naghihintay na lang na mataunan ng pumipiling mata, daliring naghahanap ng hahaplusing pahina, dahil  isa-isa mo nang itinuwid ang mga baluktot para hindi na ako makapaglista.

Ng mga bagay na bumabagabag sa akin.

Dahil ikaw, puno’t dulo ng gulo, ang tuldok sa huling pangungusap, ang bakas ng huling patak ng tintang nagmamantsa mula sa listahan hanggang sa punda ng unang dinuduyan ang mga panaginip ko’t bangungot, ikaw ang taga-istorbo’t taga-ayos, ikaw ang pasimuno’t ang tagasunod, ikaw ang una, ang huli, ang paulit-ulit na lumilitaw sa mga linyang nakasulat sa papel, nakatago sa mga titik, nagbabadya ng pagdating at paglisan, ikaw ang dahilan at ang solusyon sa lahat ng kaguluhan;

ikaw ang laman  at pag-aalayan ng lahat ng aking listahan.

Advertisements

Wine and Wait

Another glass past the soundless hour before sunrise, I sit and listen to my Cabernet exhale

and catch my breath caught in a draft dragging the night away

from a dream fermenting inside another pillow misshapen

on a bed, empty, in a corner of a room: door unlocked, windows ajar

 

There goes another minute, drifting beneath streetlamps washing pavements warm yellow.

 

I think that was where time stood still.

After the point was made and the last sentence ended.

It walked away: hands inside pockets, hunger inside heart

 

I swirl the wine on my palm and inhale an old summer harvest forgotten inside oak barrels,

stored deep and dark to age and change into another summer to be poured from a bottle

on a night in another room, foreign and unfamiliar, door unlocked, windows ajar.